Native Cottages of Camarines
Sur
Cagsawa Church in Albay
Bulkang Mayon
Tiwi Hot Spring
Bundok Isarog
Lawa ng buhi
Hoyop-hoyopan Cave
Bulusan Lake, Sorsogon
Manuel Acuña Roxas – 1946 to 1948, Unang Pangulo ng Ikatlong
Republika ng Pilipinas
Si Manuel Acuña...
kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1912 at ...
Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang ka...
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang
nagawa. Pinigil niya ang pa...
bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at
Amerikano sa Bohol. Noon...
Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa,
embahador ng Pilipinas sa C...
of 8

Native cottages of camarines sur

Native cottages of camarines sur wapak
Published on: Mar 3, 2016
Published in: Education      
Source: www.slideshare.net


Transcripts - Native cottages of camarines sur

  • 1. Native Cottages of Camarines Sur Cagsawa Church in Albay Bulkang Mayon
  • 2. Tiwi Hot Spring Bundok Isarog Lawa ng buhi Hoyop-hoyopan Cave
  • 3. Bulusan Lake, Sorsogon Manuel Acuña Roxas – 1946 to 1948, Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Si Manuel Acuña Roxas (1 Enero 1892 – 15 Abril 1948) ay ang ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 – 15 Abril 1948). Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuña ang
  • 4. kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging Speaker of the House. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938–1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Elpidio Rivera Quirino – 1948 to 1953, Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 1890—29 Pebrero 1956) ay isang politiko at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953). Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948.
  • 5. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66. Ramon del Fierro Magsaysay – 1953 to 1957, Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay[1] (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitongPangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957). Si Magsaysay ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong 31 Agosto 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
  • 6. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral. Carlos Polistico Garcia – 1957 to 1961, Ika-apat na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong makata at pulitiko. Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy. Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig(1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon
  • 7. bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas. Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957. Diosdado Pangan Macapagal – 1961 to 1965, Ika-limang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Si Diosdado Pangan Macapagal (28 Setyembre 1910 - 21 Abril 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (30 Disyembre 1961 - 30 Disyembre 1965) at ay ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30 Disyembre 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin. Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28 Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa
  • 8. Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidente. Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.