Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog
ng wika na nagbibigay kahulugan sa
pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng
pagbabago s...
May dalawampu’t isang (21) ponema ng
wikang Filipino labing-anim (16) ang katinig
at lima (5) naman ang patinig.
Ang mga k...
Mga Ponemang Patinig

Ayos ng Dila
Bahagi
HARAP
ng
SENTRAL
Dila
LIKOD
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
 Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig,
may pagkakataon na napapalitan ang
ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi
nag...
 Subalit may pagkakataon na kapag
napapalitan ng e ng i at ang o ng u,
nagbabago ang kahulugan ng salita. Kapag
naganap a...
MGA PONEMANG
KATINIG
 Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa
tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung
may tinig at walang tinig n...
PARAAN NG
ARTIKU-
LASYON Labi Ngipin Gilagid
Ngala -
Palatal
ngala
Velar
Lalamu
-nan
Glottal
Pasara (Stop)
walang tinig
ma...
Tagpuan o Punto ng Artikulasyon
 Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig
nagaganap ang pagpapalabas ng hangin sa pagbi...
d. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na
bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng
punong dila. /k,g, /(ng...
Paraan ng Artikulasyon o Paraan ng
Pagbigkas
 Inilalarawan kung papaanong gumagana ang
ginagamit ang nmga bahagi ng organ...
 Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay
mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod:
a. Pasara. Hinaharangan ...
e. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay
pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba
ng direksyon at it...
PARAAN NG
ARTIKU-
LASYON Labi Ngipin-
Labi
Gilagid
Gilagid
(Ngala-
ngala)
Lalam-
unan Ngala-
ngala
Impit/
Glottal
Pasara
w...
 Sa pagbubuo ng tunog,ang ponemang patinig at
ponemang katinig ay karaniwan nang
pinagsasamasama. Hal.: p+a=pa; h+o=ho, s...
 Ang dinaglat na ay na karugtong ng salitang
nagtatapos sa patinig ay diptonggo. Mga halimbawa:
kami’y, tayo’y, ako’y. Hi...
 Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang paraan:
a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng
tuldik na paiwa (...
 Maragsa – Salitang binibigkas ng tuloy-tuloy
mula sa una hanggang sa huling pantig. Ang diin
ay nasa huling pantig. Lagi...
b. Inirerepresenta ito ng gitling (-) kapag ito ay nasa
loob ng salita sa paigitan ng katinig at patinig.
Mga Halimbawa: m...
Ponolohiya (FIL 101)
of 20

Ponolohiya (FIL 101)

Complete from the book
Published on: Mar 4, 2016
Published in: Education      
Source: www.slideshare.net


Transcripts - Ponolohiya (FIL 101)

  • 1. Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na PONOLOHIYA O PALATUNUGAN. Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika ay PONEMA.
  • 2. May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y Ang mga patinig naman ay ang: a, e, i, o, u
  • 3. Mga Ponemang Patinig  Ayos ng Dila Bahagi HARAP ng SENTRAL Dila LIKOD Mataas i u Gitna e o Mababa a
  • 4.  Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na napapalitan ang ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.  Mga Halimbawa:  bibe-bibi  babae-babai  doon-duon  noon-nuon
  • 5.  Subalit may pagkakataon na kapag napapalitan ng e ng i at ang o ng u, nagbabago ang kahulugan ng salita. Kapag naganap ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay dalawang magkahiwalay o magkaibang ponema na. Halimbawa:  mesa-table  misa-mass
  • 6. MGA PONEMANG KATINIG
  • 7.  Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito katulad ng makikita sa tsart na nasa ibaba. Samakatuwid, sa pagsasalita, ang paglikha ng ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan o punto ng artikulasyon at paraan ng pagbigkas / artikulasyon. Itinituring na digrapo ang ng sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng dalawang letra subalit kumakatawan sa isang makabuluhang tunog.
  • 8. PARAAN NG ARTIKU- LASYON Labi Ngipin Gilagid Ngala - Palatal ngala Velar Lalamu -nan Glottal Pasara (Stop) walang tinig may tinig P b t d k g ’ Pailong (Nasal) may tinig m n ŋ. Pasutsot (Fricative) walang tinig s h Pagilid (Lateral) may tinig l Pakatal (Trill) may tinig r Malapatinig may tinig w y
  • 9. Tagpuan o Punto ng Artikulasyon  Naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig o sa pagbuo ng tunog, may pitong punto ng artikulasyon: a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng katinig. /p,b,m,w/ b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping itaas. /t,d,n/ c. Panggilagid. Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila. /s,l,r/ d. Palatal (Pangalangala). Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng punog dila. /y/
  • 10. d. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila. /k,g, /(ng)/ e. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan. /h/ f. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /?/
  • 11. Paraan ng Artikulasyon o Paraan ng Pagbigkas  Inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit ang nmga bahagi ng organong pagbigkas o sangkap sa pagsasalita. Sa pagbigkas ng mga katinig, inilalarawan din nito kung paano pinalalabas ang hangin hininga sa mga resonador. Samakatuwid, ang paraan ng artikulasyon/pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o sa ilong na siyang ginagamit sa paglikha ng tunog.
  • 12.  Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod: a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,?,b,d,g/ b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m,n, /ng/ c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang tinig lumalabas ang hangin. /s,h/ d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin. /l/
  • 13. e. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/ f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila ay mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon. /w,y/ Dahil sa modernisasyon ng wikang Filipino, malaya ng nakakapasok angmga salitang katutubo at banyaga sa wikang ito bunga ng malawakang panghihiram ng salita. Ayon sa ilang dalubwika, ang dating bilang ng mga ponemang Filipino ay nadagdagan na nga pitong bagong ponema.
  • 14. PARAAN NG ARTIKU- LASYON Labi Ngipin- Labi Gilagid Gilagid (Ngala- ngala) Lalam- unan Ngala- ngala Impit/ Glottal Pasara walang tinig may tinig P b t k g ’ Pailong may tinig m n ŋ/ng (ng) Pasutsot walang tinig may tinig (f) (v) s (z) (Š)/ϛ h Pagilid l Pakatal r Malapatinig w y
  • 15.  Sa pagbubuo ng tunog,ang ponemang patinig at ponemang katinig ay karaniwan nang pinagsasamasama. Hal.: p+a=pa; h+o=ho, s+i=si. Ang tawag sa nabubuong tunog ng pinagsamang ponemang katinig at ponemang patinig ay ponemang segmental.  Kapag ang ponemang katinig na w at y ay sinudlungan ng alinman sa limang ponemang patinig, ang nabubuong tunog ay tinatawag na diptonggo. Mga halimbawa: a+w=aw; i+w=iw; i+y=iy; e+y=ey; a+y=ay; o+y=oy; u+y=uy. Ang mga diptonggo ng Filipino ay pito lamang: aw, iw, iy, ey, ay, oy, at uy.
  • 16.  Ang dinaglat na ay na karugtong ng salitang nagtatapos sa patinig ay diptonggo. Mga halimbawa: kami’y, tayo’y, ako’y. Hindi lahat ng dalubwika ay sumasang-ayon na diptonggo ang mga ito subalit kapag binibigkas ang salaitang nagtatapos sa patinig na may kasamang dinaglat na ay, litaw na litaw ang tunog ng diptonggo.  Ang mga diptonggo ay karaniwang nasa hulng pantig ng salita, Halimbawa: sawsaw, nguyngoy, aruy, aliw.  Ayon kay Dr. Alfonso Santiago (1985), ang / ̓/ ay impit na tunog sa matandang balarila. Ang ponemang ito ay medyo nagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito ay isang ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o letra.
  • 17.  Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang paraan: a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng tuldik na paiwa ( ʽ) kung nasa posisyong pinal ng salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa posisyong pinal ay tinatawag na malumi o maragsa. Malumi-salitang malumay o dahan-dahan kung bigkasin pero may diin sa pantig na penultima o huling pantig ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Inirerepresenta ito ng tandang paiwa (tulad ng nasa itaas na simbolo) na inilalagay sa dulo ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Halimbawa: bata, talumpati, dambuhala, kulasisi
  • 18.  Maragsa – Salitang binibigkas ng tuloy-tuloy mula sa una hanggang sa huling pantig. Ang diin ay nasa huling pantig. Lagi rin itong nagtatapos sa patinig,. Inirerepresenta ito ng tandang pakupya (˄) na inilalagay sa dulo ng salita. Gaya ng salitang malumi, lagi ring nagtatapos sa patinig ang salitang maragsa. Mga Halimbawa: kaliwâ, butiki, salitâ, dukhâ  Ang tuldik na paiwa (ʽ) at tandang pakupya (˄) ay kapwa kamakatawan sa ponemang glottal na pasara o impit na tunog.
  • 19. b. Inirerepresenta ito ng gitling (-) kapag ito ay nasa loob ng salita sa paigitan ng katinig at patinig. Mga Halimbawa: may-ari, mag-alis, nag-ulat Kung aalisin ang gitling, mag-iiba ang kahulugan ng salita . Inilalagay ang gitling sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig. Samakatuwid, ang gitling na nasa pagitan ng katinig at patinig ay nagrerepresenta sa glottal ng pasara. Mapapansin na sa pagbigkas ng mga salitang malumi, maragsa at may gitling sa pagitan ng katinig at patinig, nagdidiit ang mga babagtingang-tinig na siyang dahilan sa paglikha ng impit na tunog.